Bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng aming bahay. Pagdating ko sa sala ay naabutan ko ang aking mga kapatid na nanunuod ng tv. Well, dahil saturday yun, para sa akin boring ang mga palabas. Pero nakuha ang aking atensyon ng mapansin ko ang kanilang pinapanuod. Sa isang istasyon ay ineere nila ang isang programa na tumutulong sa mga mahihirap na mamamayan ng Pilipinas. Pero di lang iyon natatapos doon. Nagbibigay muna sila ng isang challenge, tawag nga nila sa mga taong nakakagawa ng challenge na ito ay GOOD SAMARITAN. Bale ang challenge ay may isang tao silang kukuhanin at magpapangap bilang isang pulubi, o di kaya ay kaawa-awang matanda at marami pang iba. Ang napanood ko ay isang babaeng bilanggo na nasa loob ng isang typical na sasakyan ng pulis na ang bintana ay gawa sa mga bakal na nagsisilbing rehas nito. Humihingi ng tulong sa mga taong naglalakad ang babae upang ibigay ang regalo niya sa kaniyang nag-iisang anak na babae. Pa-ulit-ulit siyang nagmamakaawa sa mga tao. Pero hirap na hirap siya dahil tinitignan lang siya ng mga taong dumadaan at pagkatapos ay wala na. Hanggang sa may isang babaeng dumaan sa harap ng sasakyan na kaniyang sinasakyan. Tinawag niya ito. Lumapit naman ang babae at nagtanong sa kaniya, " Ano po yun? " sabi ng babaeng lumapit sa kaniya. " Ako po ay isang bilanggo, kung maari lamang po ay iabot ninyo ang manika na ito sa aking anak. Eto po kase ang regalo ko sa kaniya sa pasko. Hindi ko na po kase ito madadala sa kaniya dahil hindi na kami magkikita." ani naman nang babaebg bilanggo..
Siya na ba ang Good Samaritan na hinahanap nila.??
( to be continue........)
